^

Metro

Pagsasara ng Ayala bridge, tigil muna

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na hindi na muna itutuloy ang rehabilitasyon ng Ayala Bridge na nakatakda na sanang simulan sa unang linggo ng Marso.

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ka­ila­ngan pa nilang pag-usapan ang traffic management pre­parations sa pagitan ng  pamahalaang lokal ng Maynila bago ituloy ang bridge repair.

Ayon kay Tolentino, ang  re­­habilitasyon aniya ay na­­ngangailangan ng total closure ng tulay at kaila­ngang ma­ibsan ang magiging epekto nito sa riding public.

Kailangan pa aniyang magprisinta ng kanilang traffic ma­nagement plan ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gayundin ang pakikipagpulong sa mga stakeholders na inaasahang maapektuhan nang pagkukumpuni ng na­turang tulay.

Orihinal na itinakda ang bridge repair sa darating na Marso 2 o 4 ng taong kasa­lu­kuyan at tatagal ng may tatlong buwan.

Mungkahi ni Tolentino  na ituloy na lamang ang  repairs  pagtuntong ng summer na kung saan naka-break ang mga eskuwelahan.

Ang mga pangunahing kal­sada na nasa bisinidad ng Ayala Bridge na posibleng maapektuhan ng naturang proyekto ay ang Quezon Blvd., United Nations Avenue, Taft at Quirino, Legarda, Magsaysay, Recto hanggang  Roxas Blvd.

AYALA BRIDGE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MARSO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

QUEZON BLVD

ROXAS BLVD

SHY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with