^

Metro

Lider ng carnap group, utas sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pinaniniwalaang lider ng sindikato ng carnapping ang napaslang ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa isang engkuwentro, kahapon ng hapon sa naturang lungsod.

Kinilala ni Caloocan Police chief,  Senior Supt.  Bartolome Bustamante ang napaslang na si Jesus Betshaida, alyas “Isong”, lider ng grupong ‘Betshaida robbery-carnapping group’ na responsable sa serye ng panghoholdap at car­napping ng mga taxi.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Anti-Carnapping Group ng Caloocan Police North Extension Office sa Phase 9 sa Brgy.  Bagong Silang dakong alas-12:10 ng gabi makaraang makatanggap ng impormasyon ukol sa presensya ni Betshaida sa lugar.

Natiyempuhan naman ng mga pulis ang suspek ngunit agad umano itong nagpaputok habang tinatangkang tu­makas. Nagkaroon ng habulan at barilan hanggang sa masakote ang suspek at mapaslang sa palitan ng putok.

Nabatid na tatlong taxi operators ang kumilala kay Betshaida na siyang tuma­ngay sa kanilang mga taxi na pawang natagpuan sa hideout ng sindikato sa Brgy. Bagong Silang na mga chop-chop na.  Karaniwang unang hoholdapin ng grupo ni Betshaida ang biktimang taxi driver at saka tatangayin ang sa­sakyan. Ibinibenta naman ang chop-chop na bahagi ng taxi sa mga buyer na walang alam na nakaw ang mga ito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang ibang miyembro ng grupo ni Betshaida upang madakip ang mga ito.

ANTI-CARNAPPING GROUP

BAGONG SILANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

BETSHAIDA

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CALOOCAN POLICE NORTH EXTENSION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with