^

Metro

Ginang, tinarakan ng stepson

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang ginang nang saksakin ito ng kanyang stepson matapos mairita ang huli  sa ginawang panenermon sa kanya ng una, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Daylin Villanueva, ng Market 3,  Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakila­lang si Ronald Serafin, alyas Nonoy, ng Road 10 Linchangco St., ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat nina  PO3 Allan Joey Ogatia III at PO2 Allan Bangayan, ng Navotas City Police, Criminal Investigation Division (CID),  naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa tapat ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Nakasalubong umano ng biktima ang suspek na nakitang pagewang-gewang dahil sa kalasingan kaya ito pinagsabihan.

Nairita umano ang suspek na agad na bumunot ng pa­talim at pinagsasaksak ang madrasta at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

ALLAN BANGAYAN

ALLAN JOEY OGATIA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DAYLIN VILLANUEVA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LINCHANGCO ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with