Bugaw huli sa pagnanakaw, estafa
MANILA, Philippines – Isang babaeng bugaw ang dinakip makaraang ireklamo ng kanyang mga naloko sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ni Manila City Hall Detachment at Manila Action and Special Assignment chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., ang suspek na si Sonia Echalar, 37 ng 1351 Radium St. San Andres, Manila.
Ayon kay Irinco, nagtungo sa kanyang tanggapan ang ilang kababaihan na pinangungunahan ni Hydee Alburo hinggil sa umano’y panloloko at pambubudol-budol ni Echalar sa kanila.
Lumilitaw na pinangakuan ni Echalar ang mga biktima na ipakikilala sa ibang dayuhan kung saan hindi alintana ng mga biktima ang pambubudol-budol sa kanila ang una.
Agad namang naaresto ang suspect sa isinagawang follow up operation si SPO1 Adolf Tagufa.
- Latest