2 drug pusher arestado!
MANILA, Philippines – Arestado sa mga awtoridad ang dalawang drug pusher sa isinagawang entrapment operation sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Insp. Perfecto Felix de Mayo ng Pasig Anti-IIligal Drugs Special Operation Task Group ang dalawang nadakip na sina Paulo Santana, 35 at Miller Mejia, 32 na kapwa residente ng Julia Vargas
Avenue, Barangay Ugong, Pasig City.
Sa imbestigasyon ni PO1 Lodjie Cruz, nabatid na ang pagkakadakip sa dalawa ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa tapat ng isang fast food restaurant sa Barangay Ugong sa lungsod.
Ayon sa report, nagkunwaring bibili ng droga sa dalawang suspek ang isang asset ng pulisya at aktong ini-aabot nila ang nasa P1,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot nang dakmain ng mga awtoridad.
Sa rekord ng Pasig police, nabatid na nasa ika-walong most wanted na drug suspek sa lungsod si Santana dahil sa talamak nitong pagbebenta ng droga.
Sinasabing maraming beses ng nadakip ng mga awtoridad si Santana at kapag nakalaya sa pamamagitan ng piyansa ay muling ipinagpapatuloy ang illegal na pagbebenta ng droga.
- Latest