^

Metro

Malaysian national, timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang Malaysian national makaraang ma­­aktuhan ito ng security guard ng isang supermarket na guma­gamit umano ng iligal na droga sa loob ng palikuran ng establisimento sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Sidney Hernia, Officer-in-Charge (OIC) ng Pasay City Police ang nadakip na dayuhan na si Vin Sen Low, 38, hotel director, at tubong-Kualala Lumpur, Malaysia.

Sa ulat ng pulisya, nag-iinspeksyon sa isa sa palikuran ng Metro Super Market Plaza 66 sa Brgy. 183 Villamor Air Base, ang security guard na si Abdurahim Aliakbar, ng Suntak Security Agency, dakong alas-2:25 ng hapon nang makalanghap ito ng masangsang na amoy.

Huli nito sa akto si Low sa loob ng isa sa mga cubicle na sumisinghot ng shabu gamit pa ang isang foil at tooter.  Agad na dinakip at isinuko sa Pasay Police ang dayuhan.

Narekober mula sa dayuhan ang dalawang pirasong kulay itim na plastic, plastic straw, improvised tooter at lighter.

Kasalukuyan nakakulong ang suspect sa detention cell ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dan­gerous Drugs Act of 2002.

ABDURAHIM ALIAKBAR

COMPREHENSIVE DAN

DRUGS ACT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

KUALALA LUMPUR

METRO SUPER MARKET PLAZA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with