^

Metro

Incentives sa top 3 students sa Quezon City, itinaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na maitaas ang cash incentives ng mga graduating students na may honor sa graduation sa darating na buwan ng Marso mula sa 142 public schools sa lungsod.

Sa utos ni Bautista, ang valedictorians ay pagkakalooban ng  P10,000 cash reward; salutatorians ay tatanggap ng P6,000 reward at sa first honorable mention ay tatanggap ng  P4,000.

Ang ipagkakaloob na cash rewards ngayong taon ay halos doble sa naibigay na insentibo noong nakaraang taon.

May P2,840,000 ang na­ilaang pondo ng QC government para sa pagkakaloob ng cash incentives.

Bukod sa insentibo, isa-subsidize naman ng QC government ang graduation expenses ng mga mag-aaral sa lungsod na magtatapos sa Marso.

Sinasabing may subsidy na  P20,000 na laan sa pa­aralan na may pinakamaraming graduates; P15,000 sa paaralan na may medium number ng graduates at P10,000 ang ibibigay sa paaralan na may maliit na bilang ng graduates.

Ayon sa QC  school board may 103,248 QC students ang ga-graduate ngayong Marso at sa kabuuang ito ay umaabot sa  39,661 ang nasa elementary level; 34,075 ang nasa secondary level at 29,512 graduates sa pre-school program ng lungsod.

Ang QC ay may 96 ele­mentary at 46 secondary schools.

AYON

BAUTISTA

BUKOD

CASH

IPINAG

MARSO

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with