^

Metro

Nag-upload ng SAF execution video, tukoy na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang responsable sa pag-upload ng video na nagpapakita sa brutal na pagpaslang sa mga mi­yembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Ronald Aguto, head ng NBI Cybercrime Division,  hinihinalang mga miyembro ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) ang nasa likod ng pag-upload ng  video.

Nabatid na apat hanggang limang larawan ang kanilang na-enhance mula sa nasabing video na ini-upload sa Youtube kung saan makikita ang walang awang pagbaril pa sa isang miyembro ng SAF na noon ay sugatan na at kumalat sa social media.

Sinabi pa ni Aguto na tinanggal na ang naturang video sa Youtube subalit bago pa man ito maalis ay nakapag-save na ang NBI ng kopya o ebidensya laban sa mga suspek na hinihinalang miyembro ng MILF.

Ipapadala ng NBI ang mga larawan sa Department of Justice (DOJ)  para masampahan ng kaukulang kaso ang mga sangkot sa massacre.

Paliwanag ng opisyal, nilabag ng mga nag-upload ng video ang  Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil isang maselang video.

Bukod sa nasabing ebidensya, tutulak din ang NBI sa pinangyarihan ng bakbakan upang kumuha pa ng karagdagang ebidensya na maaaring isampa laban sa mga MILF at BIFF.

CYBERCRIME DIVISION

CYBERCRIME PREVENTION ACT

DEPARTMENT OF JUSTICE

MORO ISLAMIC LIBE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

RONALD AGUTO

YOUTUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with