Driver utas sa kagawad, 1 pa
MANILA, Philippines - Utas ang isang 38-anyos na pedicab driver makaraang hatawin ng dos-por-dos sa ulo ng isang barangay kagawad at barilin din ng isa pang suspek na nakaalitan sa isang inuman, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Joel Sunga, residente ng F. Ma. Guerrero St., Tondo, Maynila bunga ng tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan at sugat naman sa ulo.
Hinahanting na ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Rex Mallari, ng Guerrero St., Tondo at Sherwin Herosa, kagawad ng Brgy. 243, Zone 22 .
Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa panulukan ng F. Ma. Guerrero at Mayhaligue Sts., Tondo.
Nabatid na umiwas na sa gulo ang biktima kaya iniwan ang mga kainumang suspek subalit sinundan pa siya ng mga ito. Habang naglalakad ay pinalo ng dos por dos sa ulo ng kagawad habang binaril pa ito ni Mallari.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.
- Latest