Sekyu todas sa tandem
MANILA, Philippines – Patay ang isang security guard matapos na pagbabarilin ng riding in tandem, kamakalawa ng gabi sa Velasquez, Tondo, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Roger Garcia, 42, residente ng Bgy. 105, Building 3, Temporary Housing, Tondo,Maynila.
Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Arnel Tobias ng MPD-Station 1 na naglalakad na pauwi ang biktima sa Infanta bridge mula sa kanyang duty nang sundan ng mga suspect at paputukan sa katawan.
Bagama’t may tama, nagawa pang humingi ng tulong ng bikitima.
Dito ito muling binaril ng isa mga suspek ang biktima saka nagsitakas.
Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan siubalit hindi rin naisalba pa ang buhay.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.
- Latest