Rollback sa presyo ng krudo
MANILA, Philippines – Nagpatupad kahapon ng rollback sa kanilang produkto partikular sa krudo ang ilang kompanya ng langis.
Ang rollback ay pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron, na nagbaba sa presyo ng kanilang krudo o diesel sa 30 sentimos sa kada litro.
Wala naman paggalaw sa presyo ng kanilang gas at kerosene.
Ayon sa Pilipinas Shell, epektibo ang rollback ala-1:00 ng madaling- araw ngayon.
Inaasahang magbaba na rin ng presyo ng kanilang krudo ang iba pang oil companies.
Ang rollback sa krudo ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa world market.
- Latest