^

Metro

Saturday make-up classes sa Maynila, ipinatitigil

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela sa Department of Education (Dep-Ed) ang isang grupo ng mga guro para ipatigil ang ipinatutupad na mandatory Saturday make-up classes sa Lungsod ng Maynila.

Hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) kay Education Secretary Armin Luistro na ipag-utos na ang pagpapatigil sa Saturday make-up classes at makipag-da­yalogo sa grupo.

Matatandaang nagpatupad ang DepEd ng make-up classes tuwing araw ng Sabado ka­sunod ng pagkansela ng klase noong bumisita sa bansa si Pope Francis noong Enero 15-19.

Ayon kay TDC national chairperson Benjo Basas, hindi sila kum­binsido na dapat magpatupad ng make-up classes dahil nakaka­sunod pa naman sila sa quarterly school program.

Hindi rin naman aniya­ nila kagustuhan ang mga naganap na class suspensions dahil ang pamahalaan ang siyang nagdeklarang holiday sa mga naturang araw.

Sinabi naman ni Luis­tro na ipinauubaya na niya ang isyu sa diskresyon ng mga field officials­ o ng mga Schools Division Supe­rintendents (SDS) para resolbahin ang naturang usapin.

AYON

BENJO BASAS

DEP-ED

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIGNITY COALITION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

POPE FRANCIS

SCHOOLS DIVISION SUPE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with