^

Metro

Holdaper na bumaril sa Briton, tukoy na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng matukoy na ang pagkakakilanlan sa suspek na nangholdap at bumaril sa isang Briton dahil hawak na ng pulisya ang CCTV camera footage at cartographic sketch nito sa Makati City.

Nabatid  kay SP03 Noel Pardinas ng  Station Investigation and Detective Mana­gement Branch (SIDMB), patuloy na isinailalim sa pagsisiyasat ang nakuhang CCTV footage na malaking tulong para matukoy ang suspek.

Base sa record ng pulisya, ang biktimang si  Sarah Crees, 51, dalaga, ng Pink Manila Building sa Malate, Manila ay  hinoldap at binaril  sa mukha at leeg ng hindi pa kilalang driver habang ito ay sakay sa taxi noong  madaling-araw ng Enero 17 sa panulukan ng Hepodromo at Economia Street sa Barangay Olympia, Makati City.

Napag-alamang pumalag ang bikima kaya binaril  ng suspek hanggang sa tina­ngay ang kanyang cellphone, mga credit card at P10,000 cash kung saan pinababa pa ang biktima.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa ilang dumadaang tao kaya naisugod ito sa Ospital ng Makati bago inilipat sa Makati Medical Center (MMC).

Sa kasalukuyan ay bumalik na sa bansang Ireland ang biktima at naglabas ng advisory ang British Embassy kung saan pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan na huwag basta-basta sasakay sa mga taxi at maging alerto ang mga ito.

Sa  ngayon ay hawak na ng Makati City PNP ang CCTV camera footage at cartographic sketch  ng suspek.

BARANGAY OLYMPIA

BRITISH EMBASSY

ECONOMIA STREET

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

NOEL PARDINAS

PINK MANILA BUILDING

SARAH CREES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with