^

Metro

Mister binoga ng kaalitang kapitbahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kritikal ngayon sa pa­gamutan ang isang mister makaraang barilin sa dibdib ng kanyang kapitbahay na matagal ng kaalitan ng kanilang pamilya  sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Binas, 59, ng  Lohen St., Kenneth Road, Nagpayong Brgy. Pinagbuhatan  sa lungsod.

Sumasailalim ngayon sa maselang operasyon sa Pasig City General Hospital ang biktima para kunin ang bala ng kalibre 38 baril na nakatanim pa sa kanyang dibdib.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen ay nakilalang si Manuel Esponga, 56, kapitbahay ng biktima na ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Sa inisyal na imbetigas­yon ni SPO2 Randy Aurelia, ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Ocarisa  St., Rodmonville Homes Nagpayong Pasig City.

Sinasabing papunta ang  biktima sa bahay  ng kanyang Kuya  Benny, 61, upang dalawin ito, subalit  hinarang siya ng suspek  at tinutukan ng baril bago pinaputukan sa dibdib.

Lumalabas sa inisyal  na  imbestigasyon na da­ting alitan­ ang motibo ng  pamamaril na una na ring nagkade­mandahan dahil umano sa  away ng  kanilang mga anak.

vuukle comment

KENNETH ROAD

LOHEN ST.

MANUEL ESPONGA

NAGPAYONG BRGY

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

RANDY AURELIA

RODMONVILLE HOMES NAGPAYONG PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with