^

Metro

Sunog sa Makati: 4 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao kabilang ang isang bumbero ang na­sugatan sa sunog na naganap kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Kinilala ni Senior Fire Officer 3 Wilfredo Nardo, arson investigator ng Makati City Fire Department ang mga biktimang sina Roberto Alba, 60; misis nitong si Evangelene, 57; Ramon Llomos, 48 at SFO3 Elpedio Igid.

Ayon kay SF03 Nardo, nagsimula ang sunog alas-12:55 kahapon ng madaling-araw  sa paupahang bahay na kinabibilangan ng 29 na kuwarto na pag-aari ni Antonio Martin Locsin na mata­tagpuan sa Saint Paul St., Barangay San Antonio Village ng naturang lungsod.

Biglang sumiklab ang apoy sa isang paupahang kuwarto at dahil sa gawa ito sa light materials mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit kuwarto. Dahil sa in­sidente sugatan ang mga tenants, kabilang ang mag-asawang Alba, Llomoso at ang isa sa mga rumespon­deng bumbero na si SF03 Igid.

Tinatayang nasa P500,000 ang mga ari-ariang napinsala at iniimbestigahan  pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan nang pagsiklab ng apoy.Ala-1:50 ng madaling-araw idineklarang fire-out na ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

ANTONIO MARTIN LOCSIN

BARANGAY SAN ANTONIO VILLAGE

ELPEDIO IGID

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

RAMON LLOMOS

ROBERTO ALBA

SAINT PAUL ST.

SENIOR FIRE OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with