^

Metro

Vendor nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Winasakan ng isang tindero ang sariling buhay makaraang magbigti sa loob ng inuupahang apartment sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Hindi na naisugod pa sa pagamutan si Nanding Paragas, ng Phase 2, Letre, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ni Mary Ann Peralta, 33, hipag ng nasawi ang nakabigting bangkay ni Paragas sa may hagdan ng bahay.

Ayon naman sa biyenan ng biktima na si Nilda Peralta, dumating sa kanilang bahay si Paragas kamakalawa ng gabi na labis ang lungkot.  Naibulalas umano nito ang problema nito sa pera ng kanyang pamilya at away nila ng kanyang asawa na si Remy. Sinabi rin ng mga ito na hinihinala umano nilang gumagamit rin ng iligal na droga ang nasawi kaya napapabayaan ang pamilya.

Sa pagsusuri sa bangkay ni Paragas ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha sa bulsa ng pantalon nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na shabu na nakabalot sa isang P20 bill.

vuukle comment

AYON

BRGY

LETRE

MALABON CITY

MARY ANN PERALTA

NAIBULALAS

NANDING PARAGAS

NILDA PERALTA

PARAGAS

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with