^

Metro

Kelot binaunan ng bala sa ulo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 29-anyos na lalaki nang barilin sa likod ng ulo ng hindi pa nakikilalang salarin  sa Baseco Compound, Port Area, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Patuloy pang inaalam ang motibo at kung sino ang responsable sa pamamaril na ikinasawi ng biktimang si Binsar Abo Ani, tubong  Lanao del Sur, na namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nitong Biyernes nang maganap ang insidente sa Block 6, Commercial Habitat, Baseco Compound.

Isang vendor ang nakapagsabi sa imbestigador na nakarinig lamang siya ng putok subalit hindi umano nakita kung sino ang namaril dahil may inaasikaso siyang kustomer, at nang tingnan niya ang pinanggalingan ay doon niya nakita ang lalaking nakalugmok at duguan malapit sa kaniyang likuran.

Wala na umanong nais magsalita sa mga residente bunga marahil ng takot na madamay.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BINSAR ABO ANI

BIYERNES

COMMERCIAL HABITAT

DINALA

GLENZOR VALLEJO

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PORT AREA

ST. RICH FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with