^

Metro

Kelot itinumba ng 2 armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa loob ng kanilang compound sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Ricardo Bordeos, 35, ng Don Carlos, Brgy. Holy Spirit sa lungsod. Agad namang tumakas ang dalawang suspect na armado ng baril matapos isagawa ang krimen.

Sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega, nangyari ang insidente sa may compound na tinutuluyan ng biktima, ganap na alas-7 ng umaga. Sabi ng isang saksing si Maria Fe Monesterial, busy siya sa pag-aayos ng kanyang paninda nang makita niya ang biktima na hinahabol ng dalawang lalaki na armado ng baril sa lugar at nang maabutan ay saka ito pinagbabaril

Kahit sugatan, nagawa pa anyang makatakbo ng biktima para iligtas ang sarili, pero sinundan pa siya ng mga suspect at nang makorner ay saka muling pinagbabaril na siyang ikinamatay nito.

Agad na humingi ng tulong ang saksi sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

Sa pagsisiyasat ng SOCO narekober sa lugar ang walong basyo ng kalibre 9 mm na baril, at tatlong tingga nito. Habang ang biktima naman ay nagtamo ng multiple gunshot wounds sa kanyang buong katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

BRGY

DON CARLOS

HABANG

HOLY SPIRIT

KAHIT

MARIA FE MONESTERIAL

MARLON

PATULOY

RICARDO BORDEOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with