^

Metro

2 malubha sa tumagas na ammonia

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malubha ang kondisyon ngayon ng dalawang babae ma­­karaang mawalan ng malay matapos na sumingaw ang nakakalasong ammonia sa pi­napasukang gusali sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Tondo Ge­neral Hospital ang mga biktimang nakilalang sina Marivic Apatog at Emmie Derder, tauhan ng C-3 Vifel Storage Building sa may C-3 Road, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na maghapong naamoy ng mga tauhan ng naturang kompanya ang masangsang na amoy nitong nakaraang Martes na nagmumula sa storage area. Dakong alas-7 ng gabi nang madiskubre ang mga walang malay na biktima na sina Apatog at Derder malapit sa tubo kung saan nagmumula ang tagas ng ammonia.

Agad na isinugod ng mga kasamahan sa trabaho ang mga biktima sa pagamutan at iniulat ang insidente sa Police Community Precinct 3 ng Navotas Police na siya namang humingi ng responde buhat sa Bureau of Fire Protection-Navotas.

Nabatid na kinumpuni na ng mga tauhan ng kompanya ang naturang tagas habang nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Inaasahan naman na sasagutin ng kompanya ang gastos sa pagamutan ng mga empleyadong nabiktima ng naturang tagas.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION-NAVOTAS

EMMIE DERDER

MARIVIC APATOG

NAVOTAS CITY

NAVOTAS POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

TONDO GE

VIFEL STORAGE BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with