^

Metro

Kelot utas sa selosong mister

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Selos ang isa sa mga ti­ni­­ting­nang motibo sa pagpaslang sa isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa kanyang kaibigan, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang bik­timang inilarawan na nasa  edad 35-40, may taas na 5’2’’ hanggang 5’5’’, nakasuot ng kulay puting stripes na polo shirt at gray na brief.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng  pulisya laban sa mga suspek at mag-live-in partner na sina Roberto Loberiano, 36, welder at Noemi Ponce ng Balut, Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-5 ng hapon nang naganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng mga suspek.

Ayon kay Ruben Alebar, 52, nangungupahan sa kanya ang mga suspek. Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-10:00 ng umaga kung saan hinahanap nito si Loberiano.

Lumabas ang suspek at ilang sandali ay pinapasok nito ang biktima sa kanyang inuupahang bahay. Dito na nag-inuman ang biktima at si  Loberiano.

Makaraan ang ilang  oras ay nakarinig ng kalabog ang  anak ni  Ruben na si Mary Joy na pinagwalang bahala naman nito. Nagulat na lamang  si Mary Joy nang makitang  nagmamadali lumabas ng kanyang  bahay si Loberiano  kasunod si Ponce na may dalang  backpack. Gayunman hindi niya pinansin ang  pagmamadali ng mga ito.

Alas-5 ng hapon nang  madaanan ni Mary Joy ang nakahandusay na biktima na natatakpan ng tuwalya ang mukha. Dito na ipinagbigay alam  ni Mary Joy ang  pangyayari sa kanyang amang si Ruben.

Sa imbestigayon ng pu­lisya, may saksak ang biktima sa kanyang tiyan at kaliwang palad. Posible umanong may ginawa ang biktima kay Ponce na ikinagalit ni Loberiano na kilalang seloso.

vuukle comment

DITO

JONATHAN BAUTISTA

LOBERIANO

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOY

NOEMI PONCE

ROBERTO LOBERIANO

RUBEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with