^

Metro

Mga tauhan ng MMDA, pagsusuutin ng diaper

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pagsusuutin niya  ng diaper­ ang  nasa mahigit 2,000 mga tauhan  na  ipapakalat sa Maynila para tumulong sa gaga­wing traslacion ng  imahe ng Itim na Nazareno bukas  (Enero 9), araw ng Biyernes  para hindi aniya umalis ng pwesto sakaling tawagin ng panga­ngailangan.

Bukod sa tutulong sa traslacion, ayon kay Tolentino, ang pangunahing tra­baho ng kanilang mga tauhan ay upang maglinis  kasunod ng prusisyon na isasagawa  pag-alis ng karosa ng imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand.

Nabatid na  nakapagtayo na ang MMDA ng satellite office, na  may maiiwang ta­uhang maglilinis din doon.

Nabatid pa sa MMDA, na may mga rescue team din sila na susunod sa traslacion bukod pa sa mga ipupuwesto rin sa Pasig River.

Ayon kay Tolentino na pagsusutin na lamang nila ng diaper ang kanilang mga tauhan para hindi paalis-alis sa pwesto upang magtungo sa mga comfort room.

Maging ang mga mama­mahayag na magko-cover ng naturang pagdiriwang ay padadalhan niya nang su­suuting diaper.

Payo ng MMDA sa mga motorista, na umiwas ang mga ito sa mga rutang dadaanan ng traslacion upang hindi maabala lalo’t foot traffic ang mangyayari at mahaba.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ITIM

MANILA DEVELOP

NABATID

NAZARENO

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with