^

Metro

Manyakis kalaboso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang  lalaki matapos magising ang kapitbahay na dalaga na tinangkang hubaran ng damit na pang-ibaba ng suspek  sa Navotas City kahapon.

Himas rehas  ngayon sa Navotas City Police detention cell at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Vicente Pagobo, 32,  ng Sitio Puting Bato, Bgy. North Bay Boulevard South ng naturang  lungsod.

Ayon sa reklamo sa pulisya ng biktima na nasa edad 19, alas-7:00 ng umaga­ nang magising siya sa pagtulog sa loob ng kanyang kuwarto nang maramdamang may humihimas sa maselang bahagi ng kanyang katawan at dahil sa antok pa ay hindi na nito pinansin.

Maya-maya pa ay naram­daman ng biktima na hinu­hubad ang kanyang under­wear na naging dahilan upang  bumangon at nakita ang suspek sa kanyang tabi.

Nang makita ng suspek na gising na ang biktima ay mabilis na lumabas ng kuwarto at tumakas kung saan nagsumbong naman ang dalaga sa mga tanod at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ito at dinala sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

AYON

BGY

HIMAS

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SITIO PUTING BATO

VICENTE PAGOBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with