^

Metro

Pintor, tinaga kritikal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pintor ang nasa kritikal na kondisyon nang pagtatagain ito ng isa sa kanyang kalugar  dahil tinawag ng biktima ang kanyang kaibigan na nakikipag-inuman naman sa suspek kahapon sa Navotas City.

Nilalapatan ng lunas sa  Tondo Medical Center sanhi ng taga sa ulo at kamay ang biktimang si Wenceslao Percil Jr., 47,  ng Tabing Dagat, Bgy. Daanghari ng naturang  lungsod.

Hinahantinng naman ng mga kagawad ng Navotas City Police ang suspek na si  Tufrecenio Santos, 40, at kalugar ng biktima. Lumalabas sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation Division (CID), Navotas City Police, naganap ang in­sidente  alas-3:00 ng madaling araw sa naturang lugar.

Nabatid, na tinawag ng biktima ang kanyang kaibigan habang nakikipag-inuman ito sa suspek, na ikinagalit ng huli.

Dahilan upang magtalo ang dalawa at pumasok ang suspek sa bahay nito, kumuha ng jungle bolo at pinagtataga ang biktima.  Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital ng kanyang mga kamag-anak.

vuukle comment

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

TABING DAGAT

TONDO MEDICAL CENTER

TUFRECENIO SANTOS

WENCESLAO PERCIL JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with