^

Metro

Paghuli sa mga illegal na paputok tuluy-tuloy -- MPD chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tigilan ang pagbebenta ng mga illegal na paputok!

Ito naman ang panawagan at paalala ni Manila Police District (MPD) Director Sr. Supt. Rolando Nana sa mga vendors  kung saan sinabi nito na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya at pang­huhuli sa mga iligal na pa­putok hanggang sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Nana, nais lamang nilang masiguro ang  kaligtasan ng Manilenyo partikular ang mga batang  naglalaro sa lansangan. Kadalasang nagiging biktima ng mga paputok at maging ng mga indiscriminate firing ay mga inosenteng bata.

Dahil dito, muling sina­lakay ng mga tauhan ng MPD-station 1 ang mga sidewalk vendor kung saan nakumpiska ang iba’t ibang klase ng paputok kahapon ng hapon sa Binondo, Manila.

Sa pangunguna ni P/Supt. Julius Añonuevo, isinagawa ang sorpresang pagsalakay sa M. De Santos St., sa Sto. Cristo kung saan daan-daang paputok tulad ng Plapla; bawang; whistle bomb; Piccolo; kwitis at fountain ang kinumpiska.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang 2:30 ng hapon, nang salakayin ang lugar at matiyempuhan ang mga nakalatag na paputok.

Matapos makumpiska, itinurn over ang mga papu­tok sa MPD-Bomb Disposal Unit, na sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng MPD-Headquarters.

BAGONG TAON

BOMB DISPOSAL UNIT

DE SANTOS ST.

DIRECTOR SR. SUPT

JULIUS A

MANILA POLICE DISTRICT

ROLANDO NANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with