^

Metro

Balintawak sakit sa ulo ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatiling malaking problema ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasaway na motoristang sumasakop sa malaking bahagi ng EDSA sa tapat ng Balintawak Market na sanhi ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Sa programa sa radyo, inamin ng MMDA ang masikip na trapiko sa EDSA-Balintawak sa kabila na maluwag na sa maraming kalsada sa Metro Manila dahil sa nakahambalang na mga sasakyan ng mga biyahero sa tapat ng palengke.

Marami sa mga sasak­yan umano ay wala na­mang inihahatid na pro­dukto ngunit nakaistambay lamang at naghihintay ng makokontrata sa paghahakot ng mga pinamili.

Halos tatlong lanes na ng EDSA ang sakop ng mga nakaparadang mga behikulo mula trak, owner type jeeps, jeepneys, at maging mga kotse at SUVs.  Dahil dito, lumilikha ng bottleneck sa lugar dahilan ng mabagal na daloy ng trapiko sa mga sasak­yang galing sa North Luzon Expressway (NLEX) at Monumento.

Kaugnay nito, sinabi ng MMDA na nakahanda naman sila sa pagsalubong sa mga bakasyunista ga­ling sa mga probinsya na magbabalikan sa Metro Manila sa pagtatapos ng “long holidays” sa Enero.

Tuloy pa rin umano ang moratorium sa mga konstruksyon ng kalsada habang maaari ring mu­ling pakilusin ang Task Force Phantom katuwang ang mga armadong tauhan ng PNP-Highway Patrol Group na aalalay sa mga traffic enforcers laban sa mga pasaway na motorista.

BALINTAWAK

BALINTAWAK MARKET

DAHIL

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

TASK FORCE PHANTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with