^

Metro

AWOL na parak nahulihan ng baril sa rambulan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang  AWOL  na pulis nang masakote  ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD)  na may bitbit na baril sa riot na naganap sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Police District-station 4, bukod sa ihahaing kasong Breach of Peace, mahaharap din sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition ang suspek na si Rodolfo Santos Jr., 38, dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police (PNP).

 Alas-3:15 ng madaling-araw  nang arestuhin si Santos ng mga tauhan ng Lacson Police Community Precinct, dahil walang naipakitang dokumento sa dalang baril.

Rumesponde ang mga pulis sa tawag ng concerned citizen hinggil sa nagaganap na kaguluhan sa panulukan ng Ma. Cristina at Fajardo Sts. sa Sampaloc, ang mga tauhan ng Lacson PCP  subalit ang suspek na lamang na si Santos ang inabutan dahil mabilis na nagsitakas ang iba pang sangkot sa riot.

 

BREACH OF PEACE

CRISTINA

FAJARDO STS

LACSON POLICE COMMUNITY PRECINCT

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT

RODOLFO SANTOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with