^

Metro

Most wanted timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang itinuturing na No. 10 most wanted criminal at sangkot sa ilang serye ng pagnanakaw kamakalawa sa Las Piñas City.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas City Police detention cell ang akusadong si Ariel Palomata-Bustamante, 30, ng Pakwan St., Brgy. Talon­ Uno ng naturang lungsod.

Ayon sa report na isinumite ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police kay Chief Supt. Henry Ranola, director ng Southern Police District (SPD), si Bustamante ay na­­dakip alas-7:00 ng gabi sa mismong tinitirhan nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Las Piñas City Metro­politan Trial Court, Branch 79 dahil sa kasong robbery.

Sa rekord ng pulisya, si Bustamante ay sangkot sa ilang serye ng pagnanakaw, tulad ng akyat bahay at salisi at itinuturing na nasa 10 most wanted criminal sa naturang lungsod.

Nakulong din ang naturang akusado simula noong 2006 hanggang 2011 dahil pa rin sa kasong pagnanakaw.

Sa pag-aresto ng mga pulis, nakumpiska dito ang  isang kalibre .38 revolver kung kaya’t nahaharap din ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9284 as amended by RA 10591 (illegal Possession of Firearms and Ammu­ni­tion) sa Las Piñas City Pro­secutor’s Office.

ADOLFO SAMALA JR.

ARIEL PALOMATA-BUSTAMANTE

BUSTAMANTE

CHIEF SUPT

CITY METRO

CITY POLICE

CITY PRO

HENRY RANOLA

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with