^

Metro

Bebot itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hindi pa kilalang babae ang binaril sa baba at naglagos sa kanang bahagi ng mukha na kaniyang ikinasawi malapit sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 30-35, nasa 5’2’’ ang taas, may tattoo na Scorpion sa kanang binti at tweety bird naman sa likod. Nakasuot siya ng puting blusa, maong na palda at sa tabi ng bangkay niya ay ang kulay green na tsinelas na pinaniniwalaang nahubad lamang.

Sa ulat kay C/Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi nang itawag sa MPD-Homicide ang in­sidente ng pamamaril sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10:05 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima, batay sa naging pahayag ng isang Abdulah Kamat, security guard ng Asian Terminal Incorporated. Habang nagbabantay umano siya sa kaniyang post ay narinig niya ang malakas na putok ng baril at hinanap niya kung saan nagmula. Nakita niya ang biktima na nasa kalye na nakatagilid ang pagkakabagsak, duguan sa tabi ng isang plastic barrier ng construction site sa lupa na pag-aari umano ng Madrigal.

Wala namang makuhang impormasyon ang pulisya tungkol sa insidente dahil atubiling magsalita ang mga nakasaksi sa insidente.

Inilagak naman ang bangkay sa St. Rick Funeral Services.

vuukle comment

ABDULAH KAMAT

ASIAN TERMINAL INCORPORATED

DENNIS TURLA

HABANG

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PORT AREA

ST. RICK FUNERAL SERVICES

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with