^

Metro

MMDA constable na kinaladkad ng sinitang SUV, pumanaw na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumanaw  na kahapon ang traffic constable ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nabagok ang ulo  matapos itong kaladkarin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Quezon City noong nakalipas na linggo.

Ayon sa pamunuan ng MMDA, alas-2:30 kahapon ng hapon nang bawian ng buhay ang biktimang si MMDA Traffic Constable Sonny Acosta dahil sa cardiac arrest habang nilalapatan ito ng lunas sa Saint Luke’s Medical Center.

Matatandaan na noong Disyembre 19 habang naka-duty si Acosta sa may Cubao, Quezon City, nabundol at kinaladkad ito nang sinita nitong isang  pulang Isuzu Sportivo.

Nadakip naman ng mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang follow-up operation ang driver na responsable sa aksidente.

Ayon sa MMDA, sinagot nila ang gastusin para maisalba lamang ang buhay ni Acosta, subalit sinamang palad na binawian din ito ng buhay. Sinagot din ng MMDA ang legal expenses laban naman sa driver ng kotseng nakadisgrasya kay Acosta.

ACOSTA

AYON

CUBAO

ISUZU SPORTIVO

MEDICAL CENTER

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAINT LUKE

TRAFFIC CONSTABLE SONNY ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with