^

Metro

Opisyal ng Pasang Masda, utas sa ambush

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang dating national coordi­nator at tagapagsalita ng transport group na Pasang Masda nang paulanan ng bala ng baril ng riding-in-tandem na mga suspek  sa greater Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rogel Fernandez na nag­tamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at katawan.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)  ng QCPC,  naganap ang in­sidente sa panulukan  ng Regalado at Commonwealth Avenue sa lungsod.

Sinasabing sakay ng kulay pulang SUV ang biktima nang ikutan ng tandem.

Nang matantiyang may umaaligid sa kanya ay  sinubukan pa umano ni Fernandez na  makalabas ng kanyang sasakyan su­balit pinagbabaril na ito ng mga suspek saka mabilis na nagsitakas lulan ng motor­siklong hindi naplakahan

Kaugnay nito, nagpa­abot naman ng pakikiramay si Pasang Masda President Obet Martin sa mga naulila ni Fernandez.

Umapila rin si Martin  sa mga awtoridad na bigyan nang agarang hustisya ang pagkamatay ni Fernandez.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam pa ang posibleng motibo sa insidente.

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FAIRVIEW

FERNANDEZ

PASANG MASDA

PASANG MASDA PRESIDENT OBET MARTIN

QUEZON CITY

ROGEL FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with