^

Metro

Big time rollback uli sa petrolyo, ipinatupad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng big time rollback sa presyo ng produktong petrolyo  ang mga kompanya ng langis, epektibo ngayong araw na ito (Disyembre 21).

Ang naturang big time rollback ay pina­ngu­nahan ng Petron, Shell, Caltex, Phoenix at Eastern­ Petroleum.

Sa Petron, buma­baba ang presyo ng kanilang gasoline sa P1.10 kada litro, P1.35 sa diesel­ o krudo at ang kerosene ay nasa P1.40, epektibo ito alas-12:01 ng mada­ling-araw.

Ang Shell at Caltex naman ay may kahalintulad ng halaga at epektibo ang pagpa­patupad nito ala-1:00 ng madaling-araw.

Pareho rin ang halaga ng rollback sa Phoenix,  na alas-6:00 naman ang epektibo nang pagpapatupad nito, samantalang sa Eastern Petroleum ay nasa P1.10 sa gasolina at ang diesel naman ay nasa P1.30 ang ibinaba epektibo ito alas-12:01 ng madaling-araw.

Maituturing itong big time rollback dahil malaki ang presyo nang ibinababa ng gasolina at krudo  kaya’t isang magandang Pamasko ito sa publiko lalo na sa mga motorista.

Ang naturang rollback ay bunsod sa pag­galaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Noong nakaraang linggo ay nagpatupad na ng rollback ang ilang oil companies sa kanilang mga produkto.

ANG SHELL

CALTEX

DISYEMBRE

EASTERN PETROLEUM

MAITUTURING

NOONG

PAMASKO

SA PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with