^

Metro

17 kalye sa Maynila, pinaiiwasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang publiko at motorista na iwasan ang 17 kalye sa lungsod bunsod na rin ng inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa Christmas season.

Sinabi ni Moreno na  ito lamang  sa ngayon ang maitutulong ng  lungsod sa  publiko at motorista upang makaiwas sa masikip ng daloy ng trapiko kung saan nasa­sabay pa ang pagdagsa ng  mga mamimili sa malls at ibang shopping centers.

Kabilang sa mga lugar na dapat iwasan araw-araw ay ang kahabaan ng C.M. Recto mula Rizal Ave. hanggang Del Pan at kahabaan ng Abad Santos, mula Bambang hanggang Reina Regente St. sa Divisoria area; Jones Bridge hanggang Reina Regente St. sa Plaza Ruiz area; McArthur Bridge hanggang C.M. Recto sa Plaza Sta. Cruz area; Quezon Blvd., Morayta hanggang Quezon Bridge sa Quiapo area; Blumentritt/Aurora Blvd., V. Mapa Ext. hanggang Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa area at Roxas Blvd. at Osmeña highway.

Masikip din aniya ang daloy ng sasakyan sa R-10 Bonifacio Drive- P.Burgos, Ayala Blvd- San Marcelino, Romualdez- Pres. Qui­rino-Osmeña Highway dahil naman sa  dami ng mga truck na dumaraan  tuwing rush hours.

Paliwanag ni Moreno, makaraan ang Christmas season ay unti-unting maibabalik ang pagluwag ng daloy ng trapiko.

Samantala, nagsuot naman ng Santa Hat ang mga tauhan ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kung saan pinayuhan ni Moreno na ipagpatuloy ang pagmamando ng daloy ng trapiko. Kaila­ngan aniyang  imentina ng mga traffic enforcers ang kanilang paggalang sa mga nasisitang motorista.

ABAD SANTOS

AURORA BLVD

AYALA BLVD

DEL PAN

JONES BRIDGE

MORENO

REINA REGENTE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with