^

Metro

PUJ vs motorsiklo: 15 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 15 katao ang na­sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong jeep at isang motorsiklo sa kahabaan ng Roosevelt Avenue sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Quezon City Police District Traffic Sector 1, sa kasalukuyan, inaalam  pa ng mga imbestigador ang pangalan ng mga sugatang biktima na itinakbo sa magkakahiwalay na ospital.

Nangyari ang insidente ganap na alas-9 ng gabi habang binabaybay ng pampasaherong jeep na minamaneho ng isang Alberto Dades, 22, ang Roosevelt Avenue.

Pagsapit sa Osmeña St., ay bigla na lang sumalpok sa kanyang sasakyan ang isang motorsiklo na minamaneho ni Arnulfo Guillermo.

Sabi ng pulisya, tinangka pang iwasan ng PUJ ang motorsiklo subalit dahil mabilis ang pagharurot nito ay nagkabundulan din sila.

Matapos ang banggaan, direktang tumama ang PUJ sa street sign dahilan para mauga ang mga sakay nitong mga pasahero at masugatan.

Sugatan din ang driver ng motorsiko na si Guillermo na umaming nakainom siya ng alak habang nagbibiyahe.

Agad namang sinak­lolohan ng rumispondeng rescue team ang mga biktima at isinugod sa magkaka­hiwalay na ospital para malapatan ng lunas.

Ang driver ng PUJ na si Dades na nagtamo rin ng sugat sa binti ay nasa kustodiya ngayon ng TS1 para sa pagsisiyasat.

AABOT

ALBERTO DADES

ARNULFO GUILLERMO

AYON

GUILLERMO

MATAPOS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

ROOSEVELT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with