^

Metro

Malabon fire: 400 pamilya nawalan ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malungkot na Pasko ang kakaharapin ng 400 pamilya lalo na ng mga paslit ngayong Disyembre makaraang tupukin ng malaking sunog ang kanilang mga tahanan, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Anim na residente naman ang nasaktan sa naturang sunog na nakilalang sina John Michael Alun­taga, 22; Roderick Cruz, 18, kapwa nakuryente; Nino Cruz, 35; Mark Anthony dela Cruz, 25; Ogie Basco, 17; at Rodel Mabuti, 38.

Sa ulat ng Malabon Fire Department, nag-umpisa ang apoy sa kisame ng dalawang palapag na bahay ng isang Lydia Espejo sa may C. Perez St., Brgy. Tonsuya dakong alas-8:47 ng gabi. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit bahay na pawang yari sa light materials.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na nagawang makontrol ng mga bumbero dakong alas-10:58 ng gabi.

Aabot naman sa P2 mil­yon ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa naturang lugar. Lumikas naman ang mga apektadong residente sa Tonsuya covered court bilang pansaman­talang evacuation site.

JOHN MICHAEL ALUN

LYDIA ESPEJO

MALABON CITY

MALABON FIRE DEPARTMENT

MARK ANTHONY

NINO CRUZ

OGIE BASCO

PEREZ ST.

RODEL MABUTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with