^

Metro

Taxi driver na holdaper, muling sumalakay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang dalaga ang nabiktima ng taxi driver na holdaper sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi kung saan tinangay ang pera at mamahaling cellphone nito.

Ang biktima na wala nang nagawa kung hindi ang dumulog sa tanggapan ng QCPD Station 10, ay nakilalang si Flora Mae Alberto, 21, dalaga ng Brgy. Batasan Hills.

Gayunman, hirap ang pulisya  na matukoy ang salarin dahil maging ang biktima ay hindi nakuha ang pangalan at plaka ng taxi na kanyang sinakyan.

Kuwento ng biktima, nangyari ang insidente sa may NIA Road St., corner BIR Road St., Brgy. Pinyahan, ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ito, alas-10 ng gabi ay sumakay umano ang biktima sa naturang taxi sa may bahagi ng Magallanes sa Makati City at nagpahatid sa Mother Ignacia St.,Brgy. South Triangle.

Pagsapit sa NIA Road ng nasabing lugar, bigla na lamang umanong naglabas ng kutsilyo ang driver na suspect saka nagdeklara ng holdap. Habang nakatutok ang patalim ay puwer­sahang kinuha ng driver ang dalang shoulder bag na naglalaman ng pera at Samsung cellphone na halagang P15,000, ng biktima saka ito pinababa ng taxi.

Pagkababa ng biktima ng taxi ay humarurot na umano papalayo ang huli sa hindi mabatid na direk­syon. Dahil sa kalituhan, hindi na nagawa pang makuha ng biktima ang pangalan ng taxi maging ang plaka nito.

Nauna nang nagbabala ang QCPD sa publiko na mag-ingat sa mga guma­galang taxi driver na nanghoholdap sa kanyang mga pasahero.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BIKTIMA

BRGY

FLORA MAE ALBERTO

MAKATI CITY

MOTHER IGNACIA ST.

ROAD ST.

SOUTH TRIANGLE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with