^

Metro

Matadero kinatay ng kapwa matadero

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa isinanlang kuwintas, isang matadero ang pinatay sa saksak ng kapwa niya matadero, kahapon sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Christopher Legara, 24, sanhi ng tinamong mala­lim na saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jose Soterio.

Naganap ang insi­dente alas-12:30 ng tanghali makaraang magtalo sina Legara at Soterio, matapos umanong hu­mingi ng dagdag na P150  ang biktima hinggil  sa isinanla niyang kwintas sa suspek.

Nagalit ang suspect kung saan inagaw ang bitbit na kutsilyo ng isa pa nilang kasamahan saka itinarak sa biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang isina­gawang krimen.

vuukle comment

CHRISTOPHER LEGARA

DAHIL

JOSE SOTERIO

LEGARA

MABILIS

NAGALIT

NAGANAP

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with