^

Metro

Film showing isinagawa sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinimulan na ni Manila 3rd District Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagsasagawa ng film sho­wing sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Ayon kay Nieto, layu­nin ng film showing na maipanood  ang  magagandang mga pelikulang Pilipino  sa mga kabataan bukod pa sa layuning mabigyan ng  mapaglilibangan.

Bilang Chairman ng  Committee on  Arts and Culture  ng City Council, nais din aniyang  makaimpluwensiya  ang mga pelikula sa mga kabataan na lumikha ng mga kuwentong nagsasalamin sa ordinaryong pamumuhay.

Sinabi ni  Nieto na mara­ming Manilenyo ang may mga talento sa paggawa ng mga kuwento o scriptwriting na maaaring maging daan para sa kanilang tagumpay.

Kabilang sa mga pelikula ni Nieto na ipinalabas ay ang Naglalayag, Magnifico at Kamoteng  Kahoy.

 

vuukle comment

ARTS AND CULTURE

AYON

BILANG CHAIRMAN

CITY COUNCIL

DISTRICT COUNCILOR JOHN MARVIN

KABILANG

NIETO

YUL SERVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with