^

Metro

Paghahanda kay ‘Ruby’: 1,000 pulis, ikakalat sa Metro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa mahigit sa isang libong kapulisan ang pinakalat simula kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar ng Kalakhang Maynila upang magbantay at umalalay sa­kaling manalasa ang bagyong Ruby at para na rin sa gina­ganap na Asian Pacific Economic (APEC) Summit.

Ayon kay NCRPO Director Carmelo Valmoria, ang kabuuang 1,251 police personnel ay manggagaling mismo sa headquarters sa Camp Bagong­ Diwa Taguig City.

Samantala, may kabuuang 24 na rubber boats na rin ang inihanda para gamitin sa rescue operation kung sakaling matinding manalasa ang bagyo sa Metro Manila.

Idinagdag pa nito  na bukod sa pagbabantay sa sitwasyon ng bagyo, nakatutok din ang mga kapulisan  sa gaganapin na informal seniors officers meeting para sa APEC In­formal Senior Officials’ Meeting (ISOM), na ginaganap sa lungsod ng Makati.

Nabatid, na ang pagda­dausan dapat ng pagpu­pulong ay sa Legaspi Albay, subalit ini­lipat ito sa Maynila dahil kasama ang naturang lalawigan sa dadaanan ng bagyong Ruby.

Bukod pa rito, nagsagawa na rin ng close-door meeting ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) para sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa nasabing pagpupulong.

Alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang itaas sa full alert status ng NCRPO ang Metro Manila, samantalang ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ay naunang nagpatupad ng blue alert status­. (Lordeth Bonilla)

ASIAN PACIFIC ECONOMIC

CAMP BAGONG

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

DIWA TAGUIG CITY

KALAKHANG MAYNILA

LEGASPI ALBAY

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with