^

Metro

Forced evacuation sa Maynila, posibleng ipatupad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May nakahandang planong forced evacuation ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga naninirahan malapit sa Manila Bay na posibleng tamaan ng storm surge dala ng bagyong Ruby.

Ito’y kung sakaling hindi magbabago ang direksyong tina­tahak ng bagyo na pinangangambahang magdudulot din ng epekto sa Metro Manila sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office Director Johnny Yu, nakipagpulong na siya sa mga barangay chairman na nakasasakop sa coastal area ng Parola, Baseco at Happyland para sa ipatutupad na pre­­emptive evacuation.

Katunayan aniya, 24-oras na operational ang kanilang command center at inabisuhan na rin nila ang kanilang mga rescue team na manatili sa mga istratehikong lugar.

Bagamat idedeklarang “no man’s land” ang Roxas Boule­vard at España sa sandaling maramdaman ang hagupit ng bagyong Ruby, sinabi ni Yu na maglalagay pa rin sila roon ng mga standby truck na reresponde sa mga tao na makikitang naglalakad sa nabanggit na mga lansangan.

Samantala, nakapwesto na rin sa labas ng mga evacuation center partikular na sa Delpan, Tondo, ang mga rescue equipment gaya ng mga rubber boat at bangkang de-motor na gagamitin sa pagresponde sa mga residenteng maiipit sa baha. (Ludy Bermudo)

 

BAGAMAT

BASECO

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

MANILA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE DIRECTOR JOHNNY YU

METRO MANILA

ROXAS BOULE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with