^

Metro

Pulis, 1 pa timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang isang tauhan ng pulisya at isa pang lalaki makaraang mahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga sa bahay ng huli sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Malabon Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, ang mga nadakip na sina PO3 Rommel Garcia, 39, nakatalaga sa Police Community Precinct 1 ng Caloocan City Police, at Reynil Molina, alyas Bong, 47.

Sa ulat, unang nakatanggap ng tip buhat sa isang impormante ang Malabon SAID-SOTG ukol sa nagaganap na pot session sa bahay ni Molina.

Matapos na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinalakay ng mga anti-drug operatives sa pangunguna ni SPO1 Gerardo Bautista ang naturang bahay dakong alas-11:30 ng tanghali at naaresto sina Garcia at Molina sa aktong sumisinghot ng shabu.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang isang pakete na hi­nihinalang naglalaman ng shabu, isang pakete na may bakas ng droga, drug paraphernalia at isang kalibre .9mm baril.

Dinala na ang mga ebi­densya sa PNP Crime Laboratory habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek.

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CRIME LABORATORY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

GERARDO BAUTISTA

MALABON CITY

MOLINA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with