^

Metro

Malawakang balasahan sa Bilibid, ikinasa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 1,000 prison guards ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang babalasahin matapos na mabulgar ang mga katiwalian dito na may kinalaman sa pagpupuslit ng mga kontrabando kasabwat ang ilang preso.

Ayon kay Supt. Robert Rabo, OIC ng NBP, ang ma­higit 1,000 guard na ba­balasahin ay mula sa ranggong Prison Guard 1 hanggang supe­rintendent.

Ang malawakang balasahan sa NBP ay sisimulan sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Masasagasaan sa major reshuffle ay ang mga prison guard sa 1st, 2nd at 3rd shifts at hindi lamang sa NBP ito ipatutupad, kundi sa lahat ng bilangguan na nasa hurisdiksiyon ng BuCor.

Ayon pa kay Rabo, ang ipatutupad na major reshuffle sa naturang bilangguan ay isinumite na ni BuCor Director Franklin Bucayu kay Department Of Justice (DOJ) Secretary Leila Delima.

Matatandaan, na noong  Sabado lamang, nakakuha ang mga awto­ridad ng ilang ipinagba­bawal na gamit sa NBP tulad ng signal boosters (11), booster chargers (4), aluminum outdoor antennas (46), plastic door antennas (14), wifi “My Bro”, wifi antennas (4), repeaters (9), power supply (7 units), rolyo ng electrical wires (5), splitter (1) at distributor (1).

Nakadiskubre rin ang limang pakete ng marijuana, na nakalagay sa LBC parcel.

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

MUNTINLUPA CITY

MY BRO

NEW BILIBID PRISON

PRISON GUARD

ROBERT RABO

SECRETARY LEILA DELIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with