^

Metro

QC gagamit na rin ng solar panel

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagamit na ng solar panel­s-friendly infrastructures ang pamahalaang-lokal ng Quezon City sa mga pampublikong paaralan at gusali ng pamahalaan sa lunsod upang makatipid sa kunsumo sa suplay ng kuryente.

Ito ay makaraang atasan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang division of city schools at Task Force Streetlights na pag-aralan ang pagkabit ng mga solar panels sa mga roofing  ng mga public schools at government office buildings sa lunsod.

Sinabi ni Bautista na bukod sa maibababa nito ang singil sa paggamit ng kur­yente, may pagkakataon din itong lumikha ng dagdag na kita sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbebenta at metering sa sobrang suplay ng kuryente na makukuha sa paggamit ng  solar panels.

Anya, ang  Meralco  ay maaaring bumili sa QC ng solar power sa halagang P5.00 per kilowatt lamang o higit pa. Sa proyektong ito, ang pamahalaang lokal ng Quezon City ang aako sa malaking  investment para sa  pagkakabit ng solar panel sa mga  public school at government buildings sa lunsod.

Sa ngayon, ang SM North EDSA ay nakakapag-gene­rate na ng 1.5 megawatt ng kuryente mula sa solar panels na nakakabit sa  multi-level car park rooftop nito at nakakatipid ng halos limang porsiyento sa gamit sa suplay ng kuryente ng naturang mall na may halagang P2 milyon sa gastusin sa kuryente.

vuukle comment

ANYA

BAUTISTA

GAGAMIT

MERALCO

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

TASK FORCE STREETLIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with