^

Metro

3 holdaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang tatlong kalalakihang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga opera­tiba ng pulisya sa bahagi ng Brgy. Lagro­, Mindanao Ave­nue Ext. sa Quezon City kahapon ng ma­daling-araw.

Kasalukuyang ina­alam ang pagkakakilanlan sa tatlong na­patay na may mga tattoo sa katawan.

Sa ulat ni PO2 Julius Raz, bago ma­ganap ang shootout ay nagpanggap na mga pasahero ang tatlo saka sumakay sa Arnaiz taxi (TYD-554) na minamaneho ni Romeo Sualog sa panulukan ng Quezon Avenue at Roosevelt, Quezon City.

Gayon pa man, nagdeklara ng holdap ang tatlo saka nilimas ang P1,700 cash na kinita ni Sualog at ang kanyang  cellphone.

Pinababa si Sualog pagsapit sa panulukan ng Banawe Street at La Loma Avenue  saka kinomander ang taxi patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Mabilis namang ipinaabot ni Sualog ang insidente sa pulisya kaya inilatag ang ope­rasyon laban sa tatlo na lulan ng taxi.

Naispatan ng mga operatiba ng pulisya ang sinasakyang taxi kaya sinundan ito su­balit nakatunog ang mga holdaper pagsapit sa Mindanao Avenue kaya sumiklab ang putukan hanggang sa bumulagta ang tatlo.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang tatlong baril at mga basyo ng bala maging ang taxi na kinumander.

BANAWE STREET

JULIUS RAZ

LA LOMA AVENUE

MINDANAO AVE

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

SHY

SUALOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with