^

Metro

Sabit sa pambubugaw at panghahalay 2 habambuhay sa PSG at barangay chairman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatawan ng Manila Regional Trial Court ng dalawang habambuhay na pagkakabilanggo ang isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at isang barangay chairman kaugnay sa panggagahasa at pambubugaw sa isang dalagita noong 2011.

Batay sa desisyon na inilabas ni Presiding Judge Emily Gaspar Gito ng Manila RTC Branch 5, ibinaba ang hatol laban kina Sgt. Walter Candelaria ng PSG dahil sa kasong Violation of RA 9208 o qualified trafficking in person at RA 7610 o Child Abuse, habang kasong child trafficking naman kay Brgy. San Miguel chairman Angel Murillo.

Una nang inakusahan ng rape ng isang 16-anyos na dalagita si Candelaria sa loob mismo ng PSG barracks.

Lumilitaw sa record, base sa testimonya ng biktima, alas-11:30 ng gabi ng Hunyo 21, 2011 nang lapitan siya ni Murillo at ibinugaw sa tatlong PSG na kinabibilangan ni Candelaria.

Pilit daw siyang isinakay ng kotse at dinala sa barracks ng mga PSG kung saan naganap ang panghahalay ng sundalo.

Nagmamakaawa umano siya sa sundalo subalit hindi naman­ nito pinakikinggan ang kanyang  mga sinasabi.

Tumanggi namang magbigay ng anumang  komento sina Candelaria at Murillo.

ANGEL MURILLO

BATAY

CANDELARIA

CHILD ABUSE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MURILLO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

PRESIDING JUDGE EMILY GASPAR GITO

SAN MIGUEL

WALTER CANDELARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with