^

Metro

Hindi ‘zero crime’ sa laban ni Pacman vs Algieri - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na insidente ng krimen ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa boxing match ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao laban sa tinalo nitong  American boxer na si Chris Algieri sa Cotai Arena, Macau, China kamakalawa.

Ito’y sa kabila ng mahabang panahon ‘zero crime rate’ ang naitatala ng PNP sa tuwing sumasabak sa laban ang Pinoy boxing icon na tila nagpapatigil ng mundo ng mga Pinoy.

Kapuna-puna naman na naging maluwag naman ang daloy ng trapiko sa mismong oras ng laban nina Pacman at Algieri.

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office, base sa tala ng National Operations Center ng PNP, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ay apat na insidente ng krimen ang naganap.

Inihayag ni Mayor  na dalawang insidente ng  barilan sa Marikina City at Eastern Samar ang nairekord, isa ang naitalang pananaksak at isa ang naiulat na natangayan ng sasakyan o nabiktima  ng umatakeng carnapping gang sa Quezon City.

Samantalang hindi naman malinaw kung nangyari ang mga nabanggit na insidente ng krimen sa kainitan ng pagpapa­ulan ng suntok ni Pacman sa kaniyang tumatakbong kalabang si Algieri.

Sa nasabing boxing match ay napanatili ni Pacman ang pagiging kampeon nito matapos na biguin si Algieri na masungkit ang World Welterweight kung saan ilang beses na bu­magsak sa ring ang Ame­rican boxer.

ALGIERI

CHIEF SUPT

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

EASTERN SAMAR

MARIKINA CITY

NATIONAL OPERATIONS CENTER

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with