^

Metro

Nene sinilaban ng adik na ama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang babae ang nalapnos ang balat matapos itong buhusan ng thinner at silaban  ng kanyang sariling ama na lango sa droga sa loob ng  Manila South Cemetery sa Makati City kahapon.

Kaagad na dinala sa Opistal ng Makati  ang biktima na itinago sa pangalang Lea na nagtamo ng 2nd degree burn kung saan sinasabing ginulpe pa ang dalagita.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya dahil nagreklamo ang kaanak ng biktima sa Manila Police District (MPD), subalit ililipat aniya  ito sa Makati City PNP kaya hindi kaagad na­aksyunan ng mga kinuukulang ahensya ng lokal na pamahalaan.

Ayon naman sa Makati City Police Women’s Desk,  wala pang reklamong isinasampa sa kanila kaugnay sa insidente  at  kung sakali aniyang magtungo sa kanilang tanggapan ang kaanak ng biktima ay kaagad nila itong aaksiyunan.

Nabatid na bumisita lamang ang biktima  sa kanyang ama na hindi muna pinabanggit ang pangalan  sa tinitirhan nito sa Manila South Cemetery sa panulukan ng South at Kalayaan Avenue, Makati City. Habang natu­tulog ang biktima ay binu­husan ito ng thinner at saka sinilaban ng suspek.

Kaagad namang naapula ng pinsan ng biktima ang apoy subalit muling sinilaban ito ng suspek dahil lasing umano ito sa droga.

Ayon sa security guard na si Romeo Amar, nagpaalam sa kanya ang ina ng biktima  para sunduin ang bata pero hindi na niya ito nakitang lumabas.??

Nabatid na matagal nang hiwalay ang mga magulang ng biktima. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

KAAGAD

KALAYAAN AVENUE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE WOMEN

MANILA SOUTH CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with