Shooting sa QC: Salon manager, taxi driver todas
MANILA, Philippines - Isang manager ng salon at isang taxi driver ang kapwa nasawi sa serye ng pamamaril ng isang lalaki sa lungsod Quezon kahapon.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, nakilala ang mga biktima na sina Brioso Toqueron, 28, alyas Gasper; branch manager ng Salon de Luxe sa North Olympus; at Norberto Espiritu, taxi driver ng John Mathew Taxi (UVA-542).
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Quirino Highway sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Greater Fairview at Brgy. Pasong Putik, ganap na alas-12:20 ng tanghali.
Bago ito, pumasok umano ang suspek sa Salon de Luxe na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Highway sa Brgy. Greater Lagro at nagkunwaring kostumer.
Dito ay nagpa-manicure pa umano ang suspek, kung saan dumating naman si Gasper sa salon para dalawin ang lugar.
Nang matapos ang manicure sa suspect, walang sabi-sabing binaril nito sa ulo si Gasper, saka lumabas ng salon at sumakay ng isang pampasaherong bus.
Pagsapit sa Brgy. Pasong Putik ay bumaba ang suspect at tinangka namang sumakay sa taxi ni Espiritu subalit, hindi umano ito pinasakay ng huli kung kaya siya paputukan nito.
Matapos ang pamamaril ay muling sumakay ng isang pampasaherong bus ang suspect kung saan tinutukan nito ng baril ang bus driver saka kinuha ang uniporme, bago bumaba sa Regalado Avenue at tumakas,
Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD sa nasabing insidente.
- Latest