^

Metro

Mister dinedo sa harap ng misis, anak

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang mister matapos itong barilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang mag-ina, kamakalawa sa Makati City.

Dead on arrival sa Makati Medical Center (MMC) ang bik­timang si Jesstony Saddie, ng Villanueva St., Pasay City sanhi ng tinamo nitong  ilang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto Barlam, Officer-In-Charge (OIC) ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa harapan ng La Paz Building, panulukan ng Salcedo at Rufino Sts., Legazpi Village ng na­turang lungsod habang pasakay ng taxi  ang biktima,  kasama ang misis at ang 5-taong gulang na anak nitong lalaki nang  biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril.

Kaagad na pinutukan sa ulo ang biktima dahilan upang bumulagta ito at dali-daling dinala sa naturang ospital si Saddie, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek na naglalakad lamang.

Inamin sa pulisya ng ina ng biktima, na sangkot umano ito sa ilang insidente ng salisi.

Isa pa sa teyorya ng pulisya posibleng motibo sa pagpaslang ay  onsehan sa partihan ng biktima at suspek dahilan upang paslangin ito. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

ERNESTO BARLAM

JESSTONY SADDIE

LA PAZ BUILDING

LEGAZPI VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

PASAY CITY

RUFINO STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with