^

Metro

Murder case isinampa vs Chinese na pumatay sa trader

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t nakaratay sa ospital, isinampa na ng Manila Police District Homicide Section laban sa isang Chinese national na bumaril at nakapatay sa kanyang lover na Chinese  businesswoman, kama­kalawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyang binabantayan ng mga pulis ng MPD-Police Station 2, ang suspek na si Benson Uy, 66, na inilipat sa Chinese General Hospital nang madaplisan ma­tapos magbaril sa sarili.

Ayon kay SPO1 Mario Asilo, narekober ng pulisya ang .45 ka­libre baril na ginamit ng suspek sa  pagpatay sa biktimang si  Jenny Lu,42,may-asawa, at may-ari ng Lucky Power­ Glassware sa 459 Elcano sa panulukan ng C.M. Recto Ave., Tondo at nanunuluyan sa 829 KP Tower sa Elcano St., sa Binondo, Maynila na itinago ng suspek sa isang kahon.

Paliwanag ni Asilo, hindi puwedeng ma­ging homicide ang kaso dahil planado umano ang  krimen batay na rin sa nakita sa CCTV kung saan nakita sa labas ng tindahan na naniniga­rilyo  ang suspek at saka pumasok sa tindahan habang sinesenyasan ng  biktima na umalis.

Nagsalita pa umano sa wikang Intsik ang biktima sabay bato ng tsinelas sa suspek hanggang sa makitang bumunot ng baril  ang  huli at pinaputukan ang una.

Lumilitaw din na hindi­ tinamaan sa unang putok ang biktima kung kaya’t muli itong tinarget ng suspek hanggang tamaan sa tagiliran.

Kamakalawa ng umaga­ nang naganap ang nasabing pagbaril sa biktima sa loob mismo ng tindahan hanggang sa magbaril din ang  suspek nang bumulagta ang   biktima.

Nagsasagawa pa rin ng  imbestigasyon ang pulisya bagama’t sa inisyal­ na  pagsisiyasat, sinasabing pinag-awayan­ ng biktima at suspek ang  planong pag-uwi sa China ng  biktima.

vuukle comment

BENSON UY

BIKTIMA

CHINESE GENERAL HOSPITAL

ELCANO ST.

JENNY LU

LUCKY POWER

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with