^

Metro

Traders inalerto sa pagkalat ng pekeng pera

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang mga opisyales ng Quezon City sa mga tindahan at kahalintulad na negosyo sa posibleng pagkalat ng pekeng pera na madalas nangyayari kapag sumasapit ang holiday seasons.

Sa pangambang bumaha sa merkado ang pekeng pera, hiniling ni Tadeo Palma, secretary to the mayor sa lokal na pulisya na tugisin ang grupo ng mga kriminal na gumagawa ng ganitong aktibidad.

Hiniling din nina Coun­cilors Allan Benedict Reyes, Jesus Manuel Suntay at Victor Ferrer Jr. pawang mga negos­yante sa siyudad sa mga may-ari ng establisimento na gumamit ng “bill verifiers’’ upang maiwasang mabiktima ng counterfeit syndicate groups.

Sabi ni Reyes, nakatanggap siya ng reklamo mula sa mga retailers at negosyante sa lungsod kaugnay sa pagkalat ng pekeng pera, sanhi upang agad na kontakin niya ang awtoridad para pagtuunang pansin ang nasabing problema.

vuukle comment

ALLAN BENEDICT REYES

COUN

HINILING

JESUS MANUEL SUNTAY

NAGBABALA

QUEZON CITY

TADEO PALMA

VICTOR FERRER JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with